Rehistrado ang Coins.ph bilang isang remittance at transfer agent (RA) simula noong Marso 2016, isang electronic money issuer (EMI) at virtual currency exchange (VC) din noong Setyembre 2017. Sumusunod ang kumpanya sa mga patakaran ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at Anti-Money Laundering Act (AMLA) pagdating sa aming mga serbisyong pampinansyal, at may mga reserba rin upang mapangalagaan ang inyong pera.