Mas pinadali na ang pagbili ng load gamit ang Messenger via Coins.ph!
Para sa unang beses na paggamit ng feature na buy load sa Messenger, kakailanganin niyo ng internet connection at hindi pwede ang free data.
Narito ang nga hakbang upang simulan ang paggamit ng feature na ito:
1. Pumunta sa Facebook at magpadala ng chat sa aming official Coins.ph page: https://www.facebook.com/coinsph/
2. Sundan ang instructions at ilagay ang mobile number na nais padalhan ng load
3. Pumili mula sa mga load amounts
4. Piliin ang “Click to Login”
5. Ilagay ang log-in details at mag sign-in
6. Ilagay ang verification code na ipinadala sa inyong telepono o email, at iyon na! Pagkatapos i-link ang inyong Coins.ph account sa inyong Facebook, maaari na kayong bumili ng load mula sa Messenger kahit gamit ang free data.
Para sa mga sumusunod na transaksyon, mag-chat lamang ng “Buy load” sa Coins.ph Facebook page (hindi ang Coins.ph Cares). Paalala na lamang din na regular load lamang ang mabibili via Messenger.
Maaari rin kayo pumunta sa pahinang ito para sa karagdagang impormasyon: https://coins.ph/blog/buy-load-on-facebook-messenger-coinsph/