Nakalista na ang COINS.PH bilang isa sa mga 150+ billers ng UnionBank. Ibig sabihin nito na makakapag-cash in na kayo agad-agad sa Coins.ph sa pagkukumpleto ng inyong payment sa UnionBank Bills Payment (Over-The-Counter) o Pay Bills (Online).
Mga Hakbang para sa Bills Payment (UnionBank Over-The-Counter at Debit-To-Account Payments):
UnionBank Over-the-Counter
1. Gumawa ng cash in order sa Coins.ph app o web browser.
- Makatatanggap kayo ng unique reference number na gagamitin sa Bills Payment ng UnionBank.
2. Pumunta sa alinmang UnionBank branch.
3. Punan ang isang Bills Payment Form:
-
- Payment for: COINS.PH
- Client Name: Inyong Pangalan
- Reference No: Reference No. na ibinigay para sa inyong cash in
4. Iva-validate ng UnionBank teller ang payment ninyo at magbibigay rin ng validated copy ng form kapag matagumpay na ito.
5. Papasok agad ang cash in sa inyong Coins.ph wallet.
Ipapatupad ang sumusunod na UnionBank cash in fee scheme para sa mga over-the-counter payments:
Halaga ng Cash In Fees
P15 - P1000 P10
P1001 - P3000 P20
P3001 - P5000 P30
Higit sa P5000 P40
Mga hakbang para sa Pay Bills (UnionBank Online):
1. Mag-login sa inyong Coins.ph account. Piliin ang Cash In, tapos piliin ang “Online Bank Transfer.” Mula sa dropdown, piliin ang UnionBank Online Banking.
2. Ilagay ang halaga na nais ninyong i-cash in.
- Lalabas ang isang natatanging reference number sa app. Tandaan ito para kumpletuhin ang inyong payment sa inyong UnionBank Online account.
3. Mag-login sa inyong Unionbank online account via app or web.
4. I-click ang Pay Bills at Select Biller.
5. Piliin ang COINS.PH sa Biller List:
6. Ilagay ang biller information.
- Depositor Name: Inyong Name
- Reference No: Reference No. na ibinigay para sa inyong cash in
- I-click ang Next
7. Ilagay ang Payment Details
-
- Ilagay ang eksaktong halaga sa cash in instructions (kasama ang fee)
- I-click ang Next
8. Pagkakumpirma ng inyong payment, papasok agad ang cash in sa inyong Coins.ph wallet.
Tagal ng Pagproseso
Papasok agad ang cash in sa inyong Coins.ph wallet pagkabayad nito sa UnionBank. Siguraduhin na magkatumbas ang reference number at amount paid sa nakikita sa cash in instructions.para maayos ang proseso ng cash in.
Paano kung nagkaisyu ako sa aking transaksyon?
Para sa anumang isyu o concern sa inyong transaksyon, maaaring lumapit sa aming support team sa pagpapadala ng mensahe sa app o sa pagpapadala ng email sa help@coins.ph. Ikasasaya ng aming team na tulungan kayo sa anumang concern na mayroon kayo.