Maaari na kayong mag-cash in agad-agad sa mga participating Tambunting Pawnshops (buong listahan dito)
Ganito ang paraan:
1. Gumawa ng cash-in order at piliin ang Tambunting Pawnshop sa ilalim ng Remittance Center drop-down menu
Paalala po lamang na PHP 15 ang pinakamababang halaga para sa opsyong ito na may fixed payment method fee ng 1.85% ng principal amount. Makikita ninyo ang panuto sa susunod na pahina, kasama ang mga detalye na kailangan sa pagkumpleto ng form.
2. Pumunta sa anumang participating Tambunting Pawnshop branch at kumpletuhin ang Coins.ph Form gamit ang mga naibigay na detalye sa cash in order:
Full Name: Inyong Pangalan
Address: Inyong Address
Contact #: Inyong Number
Ref Number:
Total Amount PHP:
Ipakita ang form sa teller at bayarin ito.
3. Papasok ang pera sa inyong wallet agad-agad!
Para sa real-time updates sa outlet na ito, maaaring tingnan ang aming Status Page.