
Ang PeraHub, na may higit sa 312 branches, ay nagbibigay ng cash at payment-related solutions sa mga customers. Maaari mag-cash in ang customer ng kanilang pera sa saanmang PeraHub branch sa pamamagitan ng Coins.ph-generated reference number. Tandaan po na may 2% fee ito. Kapag nakumpleto ng customer ang payment kasama ang fee at tamang reference number, papasok dapat ang cash in agad-agad sa kanilang Coins.ph wallet.
Narito ang isang mabilis na gabay para mag-cash in sa inyong Coins.ph wallet sa saanman sa 312 branches ng PeraHub:
Step 1: Buksan ang Coins.ph wallet at i-tap ang Cash In.
Step 2: Piliin ang Remittance Center at piliin ang PeraHub.
Step 3: Ilagay ang halaga na nais ninyong i-cash in. Tandaan ang inyong reference number.
Step 4: Bayarin ito sa saanmang PeraHub branch. Kumpletuhin ang Coins.ph Transaction Form at
ibigay ito sa cashier kasama ang bayad (Basahin: List of PeraHub locations)
Paalala po lamang na may sinisingil na 2% service fee ang PeraHub
Kapag tapos na ang mga ito, papasok agad ang pera sa inyong Coins.ph wallet!
Nag-cash in kayo pero hindi pumasok ang pera? Paki-email kami sa help@coins.ph o i-tap ang “Send Us A Message” sa app kasama ang inyong deposit slip bilang pruweba para matulungan namin kayo sa inyong transaksyon.
Para sa real-time updates sa outlet na ito, maaaring tignan ang aming Status Page.