Narito kung papaano kayo makakabili at makakapag-load ng Cignal Prepaid E-Pins sa Coins.ph:
Step 1: Sa Bills Payment page, piliin ang bill type (Cable Channel Provider) at company name (Cignal Prepaid E-Pins).
Step 2: Ilagay ang numerong nakarehistro sa Cignal Prepaid account. Siguraduhing Smart at Sun Cellular na numero lang ang ilalagay.
Step 3: Piliin ang halaga na nais nilang i-load sa Cignal TV account.
Step 4: Siguraduhing tama ang detalye ng transaksyon at kumpirmahin ito. Pindutin ang “Pay Bill” pagkatapos.
Step 5: Matatanggap ng recipient ang e-pins sa isang text message at maaari na nila itong i-load. Magpadala ng text message na kagaya ng nasa ibaba sa 5353 (para sa mga SMART and SUN subscribers):
CIGNAL<space><PIN><space><CIGNAL ACCOUNT #>
Step 6: Makakatanggap ng text message ang recipient kapag nakumpirma na ang kanilang request at maaari na nilang magamit ang kanilang Cignal account.
Tip: Upang matanggap kaagad ng recipient ang E-pins, siguraduhing malakas ang signal sa kanilang lugar at pwede ring i-restart ang kanilang telepono kung kinakailangan.
Kailangan ng karagdagang na tulong? Mag-email sa amin sa help@coins.ph.