Ang USD Coin, o mas kilala sa tawag na USDC, ay isang ERC-20 stablecoin na nakakabit sa halaga ng US Dollar. Ang bawat 1 USDC na nagagawa ay may kaakibat na $1 sa mga in-a-audit na bank account ng isang consortium o samahan na tinatawag na Centre.
Dahil mayroong reserba ng dollars ang mga dollar stablecoins gaya ng USDC, maituturing na ito ang pinakamalapit na katumbas ng USD currency sa Ethereum blockchain! Basta’t mayroon kayong na-activate na ETH Receiving Address, maaari ka nang magsimula sa pagte-trade ng USDC!
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa USDC at ang dollar reserves nito, maaaring tingnan ang link na ito.