Dahil sa isang kamakailang update, mayroong dalawang bersyon ng KNC sa ngayon: ang lumang bersyon, KNC Legacy (KNCL) at ang bagong bersyon, Kyber Network Crystal v2 (KNC v2 o KNC lamang). Sa ngayon, sinusuportahan lang namin ang KNC v2 at lahat ng pagbanggit ng KNC sa Coins.ph ay tumutukoy sa KNC v2. Ibig sabihin nito na maaari lang magpadala, tumanggap at mag-convert ng bagong bersyon ng KNC tokens sa Coins.ph app.
Mangyaring tingnan ang mga sumusunod na talata para sa higit pang impormasyon na may kinalaman sa upgrade at ang integrasyon ng KNC sa Coins.ph.
Anu-ano ang mga detayle ng Network Crystal (KNC) upgrade?
Noong Abril 20, 2021, naglabas ang Kyber team ng bagong bersyon ng KNC token na nagpapahintulot ng mas efficient na pagbabago. Ang upgrade na ito, opisyal na tinutukoy bilang KIP-6, ay nagbago sa disenyo ng KNC network para maaaring magkaroon ng mga upgrades nang hindi makagambala sa paggamit, magkaroon ng dynamic token supply, at para magkaroon ng higit pang kontrol ang mga may hawak ng KNC.
Dahil sa katangian ng upgrade, mayroong transition process para ma-convert ang tokens mula sa legacy version patungo sa bagong bersyon. Wala pang naitalang hard deadline para sa katapusan ng transition period. Kahit may dalawang bersyon ng token na magkaiba, maaaring gamitin ng mga customers ang dalawang bersyon.
Nais naming ipaalala sa mga customers na ang Coins.ph ay sumusuporta na sa bagong version ng KNC (KNC v2) mula noong Marso 31, 2022. Lahat ng pagbanggit sa KNC sa Coins.ph platform ay tumutukoy sa bagong version (KNC v2).
Kung magpapadala at tatanggap kayo ng KNC tokens gamit ang inyong Coins.ph account, siguraduhin po lamang na bagong version ang ginagamit para sa transfer. Hindi namin sinusuporta ang lumang bersyon ng KNC tokens at, sa gayon, hindi namin mababawi ang mga tokens na iyon, kapag ipinadala sa inyong Coins.ph wallet.
Maaaring tingnan ang mga detalye ng upgrade sa link na ito.