Ang isang paparating na Ethereum (ETH) hard fork, na tinutukoy bilang “London”, ay inaasahang magaganap sa Agosto 5, 2021. Ang pangunahing pagpapabuti sa hard fork na ito ay ang pagpapakilala ng less volatile at mas predictable na kalkulasyon ng mga transaction fee.
Kahit tinutukoy ito bilang hard fork, nakatanggap ang London upgrade ng suporta mula sa marami sa komunidad ng Ethereum at walang malilikha na bagong tokens pagkatapos ng maintenance.
Para manatiling ligtas ang inyong pera habang nangyayari ang upgrade, ipapatupad ng Coins.ph ang isang maikling maintenance period para sa pagpapadala at pagtatanggap ng ETH, USDC, LINK, at KNC simula sa Agosto 5, 2021 at 5:30 PM (PHT). Pagaganahin namin muli ang mga serbisyong ito kapag malinaw na nakumpleto ang upgrade at stable ang Ethereum network.
Aasikasuhin ng aming team ang mga teknikal na pangangailangan para sa upgrade kaya walang kailangang gawin ang mga customer para rito. Maaari ring tingnan ang aming status page (https://status.coins.ph) para sa mga updates kung kailan matatapos ang maintenance period.
Kung may katanungan pa po kayo, maaaring mag-fill out ng form na ito o magpadala ng mensahe sa Coins.ph app para matulungan nila kayo.