Dahil sa aming bagong integration sa Ronin, maaari nang magpadala ng pondo sa ANUMANG Ronin wallet address (para sa AXS)!
Ang artikulong ito ay may dalawang (2) seksyon – isa para ipakita sa kanila kung paano mag-convert at isa pang seksyon para ipakita ang paraan para magpadala ng pondo papunta sa kanilang AXS wallet.
PAG-CONVERT
1. Gumawa ng Coins.ph account at magpa-verify para maging Level 2 - ID and Selfie Verified ang kanilang account.
- Dahil sa kamakailang BSP Advisory, kailangan maging ID and selfie verified o higit pa para magawa ang ninanais na transaksyon.
2. Kapag ID at Selfie verified na ang kanilang account, piliin ang ETH / AXS / SLP at pindutin ang ‘Send’ o ‘Receive’ para ma-activate ang kanilang ETH wallet.
3. Makakapagpadala na sila ng pondo sa kanilang AXS o SLP wallet kapag na-activate na ito. I-convert ang kanilang PHP pa-AXS / SLP o tumanggap ng AXS / SLP mula sa external exchange platform. Maaaring pumili mula sa aming listahan ng mga available PHP cash-in options namin dito.
- Convert Option: Mula sa kanilang Coins.ph app, piliin ang ‘Crypto’ (sa pinakababang bahagi ng app) at pindutin ang 'Convert'
4. Ilagay ang halaga na nais i-convert.
- Mangyaring tandaan na ilalapat ang buy at sell rate sa oras na nakumpirma ang conversion. Ang peso equivalent na nakikita sa ilalim ng kanilang ETH, AXS o SLP balance ay kinakalkula gamit ang kasalukuyang sell rate ng napiling currency.
PAGPADALA NG PONDO (VIA RONIN NETWORK) - AXS ONLY
Dahil may AXS na sila, oras na para matuto kung paano ito ipapadala sa ninanais nilang Ronin address! Sundin lamang ang mga instructions sa ibaba:
- Para magpadala ng pondo: Piliin ang Crypto sa mga options sa ibaba, piliin ang ‘Send’, tapos piliin ang AXS.
- Pillin ang ‘Send to an External Wallet’
- Ilagay ang mga detalye ng recipient sa mga required fields
- Sa ilalim ng Select Network, piliin ang Ronin (RON)
- Sa AXS Address field, maaari nilang ilagay ang (1) Ronin address ng Recipient o (2) I-scan ang kanilang QR code (piliin ang QR Code icon sa may bandang kanan nitong field)
- Tip: Siguraduhin na nagsisimula sa ‘0x’ ang wallet address
- Sa ilalim ng BSP Circular 1108 (Travel Rule), kailangan nang ilagay ng mga user ang impormasyon ng kanilang recipient. Siguraduhin na hindi ito mga random na salita lamang (dapat pangalan ng recipient), blangko, o may digits sa kanilang pangalan
- Ilagay ang halaga na nais nilang tanggapin sa Ronin wallet at pindutin ang Next.
- Bago mag-slide to confirm, suriin ang AXS sa ibabang bahagi ng screen.
- Ang total amount due ay binubuo ng principal AXS amount + AXS blockchain fee.
- Mare-redirect sila sa isang confirmation screen. BASAHIN ang buong disclaimer notice para maiwasan ang mga processing errors at pagkawala ng pondo.
- Siguraduhin na tama ang lahat ng mga transaction details.
- Mag-’Slide to Pay’ para makumpirma ang kanilang order.
- Successful na ang kanilang payment! Hintayin na ma-update ang blockchain link para ma-track nila ang kanilang transfer. Makikita rin ito mula sa transaction history ng kanilang AXS wallet.
Disclaimer: Walang ginagarantiya na halaga ang paghawak ng digital currency. Ang presyo o halaga ng digital currency ay maaring mabilis na magbago, bumaba, at maaring mawalan ng halaga, at maaari ring magresulta sa malaking pagkalugi. Nararapatan na pag isipang mabuti bago bumili o humawak ng digital currency, kung saan isasang-alang mo ang iyong pinansyal na kalagayan.