Ang Aave Protocol ay isang network kung saan maaaring humiram o magpahiram ng cryptocurrencies habang gamit ang iba pang tokens bilang kolateral. Sa network na ito, pinagsama-sama ang mga tokens na pinapautang sa iisang pool at ito ang maaaring hiramin ng mga gumagamit ng protocol na ito. Ang interest rate at ang halaga na maaaring hiramin ng mga umuutang ay nagbabago depende sa liquidity ng pool na ito at kung ano ang gagamitin nilang kolateral. Ang AAVE token ay ang governance token ng buong protocol at ginagamit ito kapag may bumoto ng komunidad sa mga improvement proposals.
Ang pangalan ng protocol at ng token ay nanggagaling sa salita para sa “multo” mula sa wikang Finnish. Ito ang ginamit na pangalan bilang simbolo na walang tinatago ang Aave protocol at ang decentralized finance (DeFi) platforms.
Isa sa mga bagong itinatampok sa Coins.ph platform ay ang pagsuporta sa token na ito.
Kung nais pa nila malaman ang ibang idinagdag na ERC-20 token, mangyaring bisitahin ang FAQ section na ito.