Nais naming ipaalam sa kanila na ang mga XRP holders ay eligible na tumanggap ng Solo Token ($SOLO) sa 2022. Gayunpaman, nais naming ipaalala na hindi susuportahan ng Coins.ph ang darating na $SOLO token distribution.
Kung gusto nilang lumahok dito, inirerekomenda naming ilipat ang kanilang Coins.ph o Coins Pro XRP balance sa mga wallets na sumusuporta rito. [Matuto nang higit pa rito]
Maaari niyo ring tingnan ang gabay ng Sologenic network tungkol sa paraan kung paano kukunin ang kanilang $SOLO tokens kung balak nilang maglipat ng pondo sa anumang nakikilahok na exchange platform.
Kapag nakumpleto na ang snapshot sa supporting wallet sa pagitan ng Disyembre 24 - 31, 2021, maaari niyong ikonsiderang ibalik ang XRP sa Coins.ph o Coins Pro.
Ang Solo Token ($SOLO), ay ang native token ng Sologenic network na nagbibigay-daan sa pagbibili at pagbebenta ng stocks mula sa kanilang mga ninanais na kumpanya nang hindi kinakailangang dumaan sa mga traditional brokerages. Para sa karagdagdang impormasyon ukol sa Sologenic network, maaari niyong tingnan ang website nila sa https://www.sologenic.com/
Kung may mga katanungan o concerns pa po sila, mangyaring mag-email sa amin sa help@coins.ph o pindutin ang Send us a Message sa Coins app.