Maaari nang mag cash in sa inyong Coins.ph account sa Robinsons Department Stores– nationwide!
Bago magpatuloy sa inyong cash in siguraduhin na ang inyong account ay phone number verified, pagkatapos ay sundin lamang ang sumusunod:
Step 1: Pindutin ang Cash In sa inyong Coins.ph App.
Step 2: Piliin ang Robinsons Department Store na makikita sa Department Store Option.
Step 3: Ilagay ang halaga na inyong nais i-cash in at pindutin ang confirm.
Step 4: Makakatanggap ka ng unique reference number na iyong ipapakita sa cashier.
Step 5: Pumunta sa pinakamalapit na Robinsons Department Store branch at sabihin sa cashier na ikaw ay magbabayad para sa Coins.ph. Ibigay lamang ang iyong reference number at payment.
Step 6: Pagkatapos ay bibigyan ka ng Robinsons Receipt bilang kumpirmasyon na matagumpay ang iyong pag bayad para sa iyong cash in. Paalala lamang na ugaliing itago ang iyong resibo.
Ang pondo ay papasok sa inyong wallet sa loob ng 10 minuto. Paalala lamang na suriing mabuti ang detalye ng inyong transaksyon bago magpatuloy sa inyong cash in upang maiwasan ang iba pang aberya.
Fees
Ang sumusunod ang karagdagang cash in fees para sa option na ito:
Cash In Amount (Php) | Fee |
1 - 99 | Free |
100 - 500 | P20 |
501 - 5,000 | P30 |
5,001 to 25,000 | P40 |
Oras ng Pagproseso
Siguraduhing tama ang iyong reference number, papasok ang pondo sa iyong wallet sa loob ng sampung minuto.
Mahalagang Paalala:
- Siguraduhin na ang iyong account ay phone number verified.
- Huwag kalimutang bayaran ang inyong cash in sa loob ng 8 oras upang maiwasan ang kanselasyon.
- Hindi mapoproseso ang inyong cash in kapag kayo ay gumamit ng expired o kanseladong reference number.
- Ugaliing suriin ang detalye ng inyong transaksyon bago magpatuloy sa inyong cash in.
Para sa ibang katanungan o concerns, maaaring magpadala ng mensahe gamit ang inyong Coins.ph App o mag-email sa help@coins.ph.
Ano pang hinihintay mo? Cash in na gamit ang Robinsons Department Store!
Para sa real-time updates, bisitahin lamang ang aming Status Page.