Ang Sandbox ay nakabase sa blockchain na virtual world kung saan malaya ang mga manlalaro na gumawa, magmay-ari, at kumita ng digital assets. Layunin nilang lansagin ang mga larong voxel (volumetric pixel) kagaya ng Minecraft at Roblox sa pamamagitan ng pagbibigay ng tunay na pagmamay-ari sa kanilang mga nilikha bilang non-fungible tokens (NFTs). Dagdag pa rito ang pamimigay ng SAND (pangunahing utility token) sa Ethereum blockchain bilang pabuya sa mga nakilahok sa Sandbox.
Ang pinagsamang Decentralized Autonomous Organizations (DAO) and Non-Fungible Tokens (NFTs) ay nagsisilbing modelo upang punan ang Sandbox.
Isa sa layunin ng proyektong ito ay ang integrasyon ng blockchain technology sa mga pangkaraniwang mga laro. Patuloy din ang paghahalina ng Sandbox sa mga manlalaro upang makamtan ang pangunahing layunin nitong palawakin at palakihin ang blockchain gaming market.
SAND ang sariling utility token ng Sandbox. Narito ang mga sumusunod na gamit ng token na ito:
- Accessing The Sandbox platform
- Ginagamit ng mga manlalaro ang SAND upang makapaglaro, makabili ng samu’t-saring kagamitan, o para baguhin ang kanilang karakter.Sa pamamagitan ng patuloy na paglalaro, maaari rin silang kumolekta ng SAND tokens.
- Ginagamit ng mga manlilikha (creators) ang SAND upang makakuha ng ASSETS at LANDS.
- Ginagamit naman ng mga artists ang SAND upang makapag-upload ng kanilang ASSETS sa Marketplace (merkado) at para bumili ng Gems upang tukuyin ang rarity at scarcity nito.
- Governance
- Ang mga SAND holders ay may kakayahang makaboto partikular sa proyektong ito sa pamamagitan ng DAO.
- Staking
- Maaaring i-stake ang mga SAND-ETH UNI-V2 liquidity pool tokens sa platform para makaipon ng SAND rewards.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa The Sandbox, maaaring tingnan ang link na ito.
Paalala:
Sinusuportahan ng Coins.ph ang mga SAND transfers na dumaan sa Ethereum network / ERC-20 Network lamang. Ang pagpadala ng tokens sa pamamagitan ng private at sidechain networks ay magreresulta sa pagkawala ng inyong pera.