Ang Polygon (dating kilala bilang Matic Network) ay isang proof-of-stake network na naghahandog ng Ethereum scaling solutions sa mga gumagamit nito upang mas mapabilis pa ang kanilang transfer habang pinapanatili ang mabababang fees.
Ang Polygon network ay isang native sidechain network na ginawa sa Ethereum blockchain. Dahil dito, mas mapapadali ang paggamit ng mga developer sa network na ito sa iba’t-ibang Ethereum-compatible decentralized projects o applications.
Sa kabila ng pagpapalit ng naganap na pagpapalit ng pangalan ng Matic Network sa Polygon, piniling panatilihin ang katawagan sa native utility token nila na MATIC token.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Polygon network, maaaring tingnan ang link na ito.
Paalala:
Sinusuportahan ng Coins.ph ang mga MATIC transfers na pinadaan sa Ethereum network / ERC-20 network. Ang pagpapadala ng MATIC tokens sa Polygon network o sa iba pang private o sidechain network ay magreresulta sa pagkawala ng inyong pera.