Upang mas malinaw na maipakita ang kaibahan ng mga wallet na ito, inihanda namin ang sumusunod na table at listahan upang ipakita ang natatanging tampok kada wallet:
Features | Ronin Address | Ethereum (ERC-20) Address |
Creation Fee | FREE! | FREE! |
Prefix | 'ronin:' | '0x' |
Can receive | SLP and AXS only | ETH and other ERC-20 supported tokens |
Network | Ronin Network (RON) ONLY | ETH Mainnet (ERC-20 Network) ONLY |
Ang inyong Ronin Address ay:
- Karaniwang nagsisimula sa ‘ronin:’
- Libre mong makukuha! Kinakailangan lang i-activate ang inyong address na makikita sa link na ito
- Maaari lamang makatanggap ng SLP/AXS sa pamamagitan ng Ronin Network (RON),
- Maaari lamang makapagpadala ng AXS gamit ang Ronin Network (RON)
Sa kabilang dako naman, ang inyong Ethereum (ERC-20) address ay:
- Karaniwang nagsisimula sa ‘0x’
- Nangangailangan i-activate muna ang inyong ETH Address. [BASAHIN: Makakakuha ba ako ng libreng Ethereum / ERC-20 Address sa Coins.ph?]
- Maaari lamang makatanggap ng mga supported tokens gamit ang ETH Mainnet (o ERC-20 Network)
- Hindi nakakatanggap ng mga tokens mula sa ibang network gaya ng Ronin Network (RON), BNB Chain (BSC), Polygon Network (MATIC), atbp.
PAALALA: Ang mga transfer na ipinadala sa maling address at network ay hindi na marerecover ng aming team at magreresulta sa permanenteng pagkawala ng inyong pera.