Ang Yield Guild Games ay isang decentralized autonomous organization (DAO) na naglalayong mag-invest sa virtual world at mga non-fungible token (NFTs). Nagsimula ang organisasyong ito bilang isang scholarship program ng kilalang blockchain game na Axie Infinity.
Ang YGG token ay isang ERC-20 token na maaaring gamitin para makisali at makaboto pagdating sa pamamahala ng organisasyong ito.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Yield Guild Games at sa YGG token, maaari sila pumunta sa link na ito.
Paalala:
Sinusuportahan ng Coins.ph ang mga YGG transfers na pinapadala sa Ethereum network / ERC-20 Network lamang. Ang pagpadala ng tokens sa pamamagitan ng unsupported networks (katulad ng BSC at TRX) ay magreresulta sa permanent loss ng kanilang funds.