Makakapag-cash in na kayo ngayon sa inyong Coins.ph account agad-agad sa saanmang Posible Retailer.
Narito kung paano:
1. Gumawa ng cash in order at piliin ang Posible.net sa ilalim ng Kiosk Payments
Paalala na ang minimum amount para sa cash in option na ito ay ₱15, na may fixed payment method fee na ₱15. Sa bawat transaksyon, ₱5,000 ang pinakamataas na halaga.
2. Pumunta sa saanmang Posible.net Retailer location para bayaran at maikumpleto ang inyong transaksyon.
Ibigay ang reference number at halaga. Narito ay isang listahan ng lokasyon ng mga Posible.net Retailer.
3. Makukuha ninyo ang pera sa wallet agad-agad!
Bibigyan din kayo ng transaction slip bilang kumpirmasyon nito.
May katanungan pa ba tungkol sa Posible Retailer cash in option? Magpadala ng mensahe sa Coins.ph app or sa help@coins.ph.
Para sa real-time updates sa outlet na ito, maaaring tignan ang aming Status Page.