Ang Remitly ay isang digital international money transfer service. Maaaring gamitin ng mga customer ang serbisyong ito para maka-cash in sa kanilang Coins wallet o magpadala ng pera sa Coins wallet ng kanilang recipient habang nasa abroad.
Paalala: Bago mag-cash in o magpadala ng pera sa Coins.ph wallet ng ibang tao, siguraduhin na mobile number-verified ang tatanggap na Coins.ph account. Dapat Philippine number (+63) din ang nakarehistrong number.
Kung natugunan na po ang nasa itaas, narito ang isang mabilis na gabay kung paano mag-cash in sa pamamagitan ng Remitly, o paano magpadala ng pera mula sa Remitly patungo sa isang Coins.ph wallet:
Step 1: Gumawa ng account, o mag-log in sa Remitly: https://www.remitly.com/
Step 2: Piliin ang papadalhan - kung siya ay napadalhan na dati, piliin ang taong iyon, at i-click ang Continue.
Paalala: kung magpapadala sa bagong recipient, i-click muna ang “Add New Recipient” para ilagay ang mga detalye ng papadalhan.
Step 3: Sa susunod na screen, piliin ang Delivery Speed (bilis ng pagpapadala) at ang kaugnay na bayarin:
Step 4: Mag-scroll down at piliin ang Delivery Method (mobile money) at piliin ang Coins.ph. Pagkatapos, i-click ang Continue.
Step 5: Sa susunod na screen, piliin ang Payment Type. Ilagay ang mga detalye.
Paalala: Kailangang Philippine number (+63) ang account number (mobile number na nakarehistro sa Coins.ph).
Step 6: Sa susunod na screen, suriin ang sending at receiving details bago ikumpirma at ipagpadala ang pera (mag-scroll down para makita ang detalye ng Sender at Receiver).
Step 7: Matapos kumpirmahin ang detalye at mag-click sa “Send Money” sa ilalim ng Confirm & Send screen, may ipapakita sa inyo na confirmation screen at naroon ang inyong Reference Number at estimated Date of Delivery.
Kung nagpa-notify kayo, makatatanggap kayo ng email na nagkukumpirma na papunta na ang perang ipinadala ninyo. Kung napadala na ang pera sa walet, makatatanggap ang recipient ng kumpirmasyon ng natanggap na pera.
Kailangan pa ng tulong sa inyong Remitly transaction? I-tap po lamang ang “Send Us A Message” sa inyong app o mag-email sa amin sa help@coins.ph.