Ang WorldRemit ay isang international money transfer service. Maaaring gamitin ng mga customer ang serbisyong ito para maka-cash in sa kanilang Coins wallet o magpadala ng pera sa Coins wallet ng kanilang recipient mula sa limampung (50) bansa sa buong mundo. Maipapadala ang pera sa susunod na business day. Mangyaring mag-refer sa link na ito at piliin ang inyong rehiyon para sa karagdagang impormasyon.
Paalala: Bago mag-cash in o magpadala ng pera sa Coins.ph wallet ng ibang tao, siguraduhin na Level 2 (ID at selfie) verified at mobile number-verified ang tatanggap na Coins.ph account. Dapat Philippine number (+63) din ang nakarehistrong number.
Kung natugunan na po ang nasa itaas, narito ang isang mabilis na gabay kung paano mag-cash in sa pamamagitan ng WorldRemit, o paano magpadala ng pera mula sa WorldRemit patungo sa isang Coins.ph wallet:
Step 1: Gumawa ng account o mag-log in sa WorldRemit: https://www.worldremit.com/. Piliin ang bansang nais mong padalhan ng pera - halimbawa, ang Pilipinas.
Step 2: Piliin ang “Mobile Money” tab, at piliin ang “Continue”.
Step 3: Sa ibaba ng “choose a mobile money payout network” dropdown, piliin ang “Coins.ph”.
Step 4: Ilagay ang halaga ng pera na nais mong ipadala sa inyong sending currency.
Step 5: Ilagay ang detalye ng inyong recipient sa Pilipinas.
Paalala: Kailangang Philippine number (+63) ang account number (mobile number na nakarehistro sa Coins.ph).
Step 6: Ilagay ang mga detalye ng recipient at piliin ang sending reason. Pagkatapos, i-click ang "Continue."
Step 7: Sa payment tab, pumili ng payment method and i-click ang “Next”.
Step 8: Ilagay ang detalye ng payment; I-click ang “Pay” upang kumpletuhin ang payment.
Step 9: Makikita niyo ang confirmation screen at i-click ang “Track your Transfer” para masundan ang payout process. Papasok dapat ang pera sa Coins wallet sa susunod na business day.
Step 10: Sa ibaba ng confirmation page, maaaring piliin na makatanggap ng notification gamit ang SMS or WhatsApp.
Karagdagang Impormasyon: Kapag pinili niyo ang “Track your Transfer”, maaring mong makita ang transaction progress.
Makatatanggap ng email notification ang sender pagkatapos ng transfer. Maaaring makita ng sender ang transaction progress online o gamit ang WorldRemit iOS o Android app. Maaring pumili ang sender na magkaroon ng notification sa SMS o WhatsApp na ipapadala sa mobile number na naka register sa kanilang WorldRemit account.
Kailangan pa ng tulong sa inyong Remitly transaction? I-tap po lamang ang “Send Us A Message” sa inyong app o mag-email sa amin sa help@coins.ph.