Ang SeedIn ay ang pinakamalaking Business Financing Platform sa Southeast Asia na nagsisilbing tulay para sa mga lokal na negosyong naghahanap ng short-term financing at mga indibidwal at negosyong naghahanap ng short-term investments.
Kung interesado kayo sa kanilang mga serbisyo ngunit wala pa kayong account sa kanilang plataporma, maaaring bisitahin ang kanilang page o di kaya’y i-download ang kanilang app upang gumawa ng sarili nilang SeedIn Philippines account: https://www.seedinph.tech/
Gamit lamang ang inyong Coins.ph wallet, maaari niyo nang pondohan ang inyong SeedIn Philippines account upang mamuhunan at suportahan ang mga lokal na negosyo na tiyak ay sariling atin! Hindi na kakailanganin ng bank account o credit card upang simulan ito!
Kinakailangan lamang ang email address na konektado sa inyong SeedIn Philippines account upang makapagbayad gamit ang Coins.ph account ninyo.
Narito ang 4 madaling steps upang pondohan ang inyong account:
Step 1: Mag cash-in gamit ang inyong Coins.ph Wallet
Maglagay ng pera sa inyong Coins.ph Wallet gamit ang Western Union, Palawan Pawnshop, M Lhuillier, o di kaya’y gamit ang samu’t-saring partner banks and mobile wallets. (Basahin: Saan ako makakapag-cash in?)
Step 2: Kapag napunan na ang inyong Wallet, i-tap ang Pay Bills at piliin ang SeedIn na makikita sa Merchants category.
Step 3: Ilagay ang kabuuan ng halagang ilalagay sa inyong SeedIn Philippines account.
Step 4: Ilagay ang inyong SeedIn Philippines account details at pindutin ang Next button.
Step 5: Suriin ang transaction details nang maigi. Kapag nakumpirma na ang mga ito, i-slide to confirm na ang inyong payment!
Paalala: Kinakailangang mag-upload ng screenshot ng inyong confirmation message gamit ang inyong SeedIn Philippines App. Ang inyong payment ay magre-reflect sa SeedIn Philippines account nila within 24 hours mula noong na-upload nila ang confirmation message sa kanilang platform.
Kung sakaling nagkaroon ng pagkakamali sa pag-type ng kanilang SeedIn Philippines Account Code, mangyaring lumapit at makipag-ugnayan sa support team ng SeedIn Philippines upang matulungan nila kayo sa beripikasyon ng inyong payment.