Kaakibat ba ng Coins.ph ang Midjobs?
Walang anumang uri ng koneksyon ang umiiral sa gitna ng Coins.ph at Midjobs. Hindi rin kailanman sinusuportahan ng Coins.ph ang Midjobs. Ang anumang paggamit nila ng pangalan, trademark o pagbanggit ng Coins.ph na walang awtorisasyon at pahintulot ay mapanlinlang at mapagkunwari lamang.
Ano ang Midjobs?
Ang Midjobs ay isang online portal na may lamang videos kung saan iniimbitahan nito ang mga miyembro na magsuri ng video at iba pang mga sponsored na content. Ayon sa impormasyon mula sa kanilang website, bawat miyembro ay kinakailangan na bumili/mag-upgrade ng package tulad ng Basic, Pro, VIP, Elite, at Black Card, bago kumita sa paggawa ng part-time jobs na kanilang inaalok na tulad naman ng paglalagay ng mga Facebook reviews, panonood at pag-iiwan ng komento sa mga videos/ads, at maging sa pagsagot ng mga survey. Sa panahong matapos ang mga task, sinasabi na makukuha at maaaring i-withdraw ng mga miyembro ang kanilang kita.
Hindi kailanman sinusuportahan o iniendorso ng Coins.ph ang mga aktibidad o produktong ito. Dagdag pa rito, mayroon kaming zero tolerance policy sa mga sinususpetsyahang mapanlinlang na aktibidad at mga posibleng scam. Sa hiwalay na artikulo, naibahagi namin ang mga tips kung paano maiiwasan ang mga investment schemes at ibang online scams. Inaanyayahan namin ang aming mga customer na maging higit na maingat sa kanilang pera at kumilos lamang ayon sa aming User Agreement.
Ang Coins.ph ba ay katulad o konektado sa Coinpayments?
Ang Coinpayments ay hindi katulad o konektado sa Coins.ph sa anumang kaparaanan. Ang Coinpayments ay isang platform na ang headquarters ay nasa Cayman Islands. Ito ay nag-aalok ng storage para sa cryptocurrencies, at ito rin ay nagpoproseso ng mga payments na nagbibigay ng kakayahan sa mga merchants na tumanggap ng cryptocurrencies sa kanilang mga store/business tulad ng Bitcoin at 1,200+ na iba pang cryptocurrencies. Sa kabilang banda, napansin na ang Midjobs ay maaaring nakipag-ugnayan o gumamit ng serbisyo ng Coinspayments, at hindi Coins.ph, para sa pagtanggap ng mga bayad mula sa kanilang miyembro.
Ano ang nangyari sa Midjobs?
Paumanhin po ngunit wala kaming anumang impormasyon patungkol sa nangyari sa mga ibang kumpanya. Muli po, ang Midjobs ay hindi konektado o sinusuportahan ng Coins.ph.
Maaaring bisitahin ang link na ito para sa karagdagang safety tips para sa seguridad ng iyong Coins.ph account. Kung may katanungan ka pa tungkol rito, maaaring magpadala ng email sa amin.