Ang Hanpass ay isang digital international money transfer service na nakabase sa Timog Korea. Maaaring gamitin ng mga customer ang serbisyong ito para maka-cash in sa kanilang Coins wallet o magpadala ng pera sa Coins wallet ng kanilang recipient habang nasa abroad.
Paalala: Bago mag-cash in o magpadala ng pera sa Coins.ph wallet ng ibang tao, siguraduhin na mobile number-verified ang tatanggap na Coins.ph account.
Kung natugunan na po ang nasa itaas, narito ang isang mabilis na gabay kung paano mag-cash in sa pamamagitan ng Hanpass, o paano magpadala ng pera mula sa Hanpass patungo sa isang Coins.ph wallet:
Step 1: Buksan ang Hanpass app.
Step 2: Sa ilalim ng Remittance Option, piliin ang Mobile Wallet tapos piliin ang Coins option.
Step 3: Ilagay ang detalye ng recipient. Siguraduhing ilagay ang mobile number na konektado sa Coins.ph account ng recipient.
Step 4: Tiyakin na tama ang lahat ng mga detalye at kumpirmahin ang transaksyon.
Kailangan pa ng tulong sa inyong Hanpass transaction? I-tap po lamang ang “Send Us A Message” sa inyong app o mag-email sa amin sa help@coins.ph.