1. Masyadong maganda ang alok
Maging mapaghinala sa mga pamumuhunan na nag-aangking "100% ligtas o safe." Walang anumang bagay na mababang risk, mataas na reward sa X na buwan. Ang lahat ng mga pamumuhunan ay may dalang antas ng risk, at ang kawalan nitong risk ay mapaghinala.
May Kaugnayan: 3 Reminders to Help You Stay Safe Online
2. Nangangako ito ng “garantisadong” kita
Karaniwan, ang mga ponzi schemes ay nag-aalok ng mataas na "garantisadong" kita ng 20% o higit pa sas bawat linggo o bawat buwan. Ginagamit ang mga kaakit-akit na kita na ito bilang pang-akit sa mga bagong investors at para maipagpatuloy ang scam.
3. Hindi makabibigay ng mga lisensya mula sa gobyerno
Kapag nagdududa, hingin ang kanilang BIR registration at SEC secondary license kung awtorisado silang mangkolekta ng mga pamumuhunan. Siguraduhin na suriin palagi ang pagkalehitimo ng mga dokumentong ibinahagi nila.
Tip: Bisitahin ang aming Help Center para sa mga SEC advisories. Para sa karagdagang impormasyon, maaari ring kontakin ang SEC Enforcement and Investor Protection Department (EIPD) sa (02) 8818-6047 o sa epd@sec.gov.ph.
4. Binabayaran ang mga indibidwal sa halip ng mga business accounts
Kapag nagbabayad kayo sa account ng isang indibidwal sa halip ng isang business account at wala itong opisyal na resibo, malamang na hindi ito isang lisensyadong investment offer.
May Kaugnayan: 4 Tips to Send Money Online Securely
5. Pagpipilit na bumili NGAYON NA
Huwag magpagipit o magmadali sa pagbibili ng isang investment bago ninyo mapag-isipan – at mapag-imbestigahan – ang “pagkakataon.”
Kung makatanggap kayo ng anumang kahina-hinalang bagay o makatagpo ng mga investment scams at pekeng Coins.ph pages, mangyaring sabihan kami agad-agad. Maaari kayong mag-iwan ng mensahe rito o kontakin kami sa app. Manatiling alisto at tumulong sa pagpapanatili ng kaligtasan at seguridad sa Coins Community!
Para sa karagdagang palatandaan ng isang Ponzi scheme, basahin ang pinakabagong abiso ng SEC sa mga di-rehistradong entidad na nangingilak o nagso-solicit ng mga online investments. Hindi affiliated ang Coins.ph sa anumang investment companies, at hinihikayat namin ang lahat ng aming customers na maging maingat at magsagawa ng due diligence bago mag-invest saanman.