Hindi natanggap ang claiming details ng inyong game credits purchase?
Sa mga kaso kung saan hindi natanggap ang PIN code ng inyong game credit transaction sa mobile number ng recipient, maaari itong hanapin sa inyong Transaction History sa Coins.ph mobile application.
Sundan lamang ang mga panuto sa ibaba para mahanap ito:
1. Piliin ang transaksyon sa inyong Transaction History.
2. I-tap ang “Show More” para lumabas ang drop down menu.
3. At iyon lang po! Maaari nang gamitin ang “Claiming Code” upang i-load ang PIN code.
Kung kailangan ninyo ng karagdagang tulong, maaaring magpadala ng mensahe sa amin sa Coins.ph app.