Naghahanap ba kayo ng mabilis na paraan para tingnan ang mga presyo ng cryptocurrency? Sa pamamagitan ng Coins widget, madaling i-monitor ang mga presyo ng BTC, ETH, BCH, at XRP sa inyong homescreen (magagamit sa iOS at Android).
Para sa mga iOS user (iOS 14.0 at higit pa):
1. Magpindot nang matagal saanman sa homescreen. Pindutin ang + symbol sa tuktok sa kaliwa.
2. Lalabas ang widget screen. Hanapin ang Coins.
3. Pumili ng small (kaliwa) o medium (kanan) widget (o pumili ng pareho)!
Narito ang mga sample ng mga small at medium widget (kaliwa at kanan, ayon sa pagkabanggit):
4. Pindutin nang matagal ang widget para baguhin ang pagkaayos / itago / ipakita kung aling crypto pair ang imo-monitor.
Paalala: Kung walang iilagay, BTC, ETH, at BCH ang lalabas.
5. Kapag tapos na, makikita dapat ang mga pagbabago.
Para sa mga Android user:
1. Magpindot nang matagal sa home screen.
2. Piliin ang Widgets.
3. Hanapin ang coins.ph sa mga pagpipilian.
4. I-drag at drop ang ninanais ninyong widget sa home screen.
5. Maaaring ayusin ang laki para kumasya sa screen. Upang i-refresh ang chart, pindutin ang refresh icon sa katabi ng petsa.