Ang Securities and Exchange Commission (SEC) ay naglabas ng advisory patungkol sa COINMAX.PH?. Ang advisory na ito ay nagsilbing babala sa publiko tungkol sa mga indibidwal at grupo na kasangkot sa naturang mga aktibidad. Tinutukoy ng advisory ang mga aktibidad sa likod ng scheme na ito, at pinapayuhan ang publiko na huwag mag-invest o huminto sa pag-iinvest sa anumang investment scheme na inaalok ng nabanggit na entidad, ang mga kinatawan nito o anumang entidad na nakikibahagi sa mga scheme na nangangako ng hindi kapani-paniwalang kita na may bahagyang o walang panganib.
Bilang suporta sa layuning ito, ang Coins.ph ay hindi nag-endorso o konektado sa anumang paraan sa mga naturang aktibidad o produkto. Bukod dito, mayroon tayong zero tolerance policy sa pandaraya at mga gawi ng scamming. Sa isa pang artikulo, binanggit namin ang mga tips para maiwasan ang mga investment schemes at iba pang online scams. Hinihikayat namin ang aming mga customer na dagdag na maging maingat sa kanilang mga pera at kumilos ayon sa aming User Agreement.
Maaaring bisitahin ang link na ito para mas ma-secure ang iyong Coins.ph account. Kung meron pa kayong katanungan, maaari niyo kaming i-message dito.