Gamit ang Coins.ph, maaari kang tumanggap ng kahit na anong cryptocurrency na suportado ng Coins.ph mula sa external wallet o kaya sa iba pang Coins.ph wallet.
Kung nais mong tumanggap ng crypto mula sa external wallet, maaari mong ibahagi ang iyong wallet address na angkop sa klase ng cryptocurrency na iyong tatanggapin. Halimbawa, ibigay ang BTC wallet address kung BTC ang iyong tatanggapin o ibahagi ang iyong ETH wallet address kung ETH ang ipapadala sa iyo. Maaari rin ibahagi ang iyong QR code ng angkop na crypto wallet address.
Kung ang crypto na iyong tatanggapin ay mula naman sa isang Coins.ph account, bukod pa sa wallet address at QR code, posible rin na ibahagi mo na lamang ang nakarehistro na email address o mobile number sa iyong Coins.ph account upang mapadala ito ng iyong sender.
Narito ang mga hakbang nsa susundin upang makuha mo ang iyong wallet address o QR code:
1. Mula sa app, piliin ang Crypto icon sa ibaba na bahagi ng screen.
2. Mula sa Crypto Portfolio, piliin ang 'Receive' at piliin ang uri ng cryptocurrency na tatanggapin.
3. May lalabas na mahalagang paalala [siguraduhing basahin ito ng mabuti!] at pipindutin mo ang Show my ___ Address (BTC sa halimbawang ito).
4. Makikita mo na rito ang iyong QR code at wallet address. Para mapadali ang pagkopya nito, maaari mong pindutin ang copy button sa tabi ng iyong wallet address.
Maaari ka ring maglagay ng tiyak na halaga ng crypto na iyong inaasahang tanggapin mula sa sender. Piliin lamang ang "Request a specific amount". Magbabago ang iyong QR code para sa iyong tinukoy na halaga. Itong bagong QR code ang iyong ibabahagi sa sender upang i-scan.
1. Piliin ang iyong nais na tanggapin na cryptocurrency sa sidebar na nasa kaliwang bahagi ng screen (BTC sa halimbawang ito), at pindutin ang QR code icon sa itaas na kanang bahagi ng wallet balance.
2. Basahin nang mabuti ang lalabas na paalala at pindutin ang Show my ___ Address (BTC sa halimbawang ito).
3. Makikita mo na rito ang iyong QR code at wallet address.