Mahalagang Paalaala: Lahat ng mga digital currency transfers ay non-reversible at hindi na maibabawi kapag nagawa na. Hinihimok ng Coins.ph ang lahat ng mga customer na maging napakaingat kapag nagdedeposito ng digital currency. Responsibilidad ng customer na matiyak na lahat ng mga detalye ng transaksyon ay tama bago ipadala ang pera.
Dahil sa irrecoverable nature ng mga cryptocurrency transactions, susuriin muna ng Coins.ph kung kaya ang pagbabawi nito.
Kung itinuturing na posible ang pagbawi nito, susubukan ng Coins.ph na bawiin ito sa isang best effort basis lamang. Tandaan na ang Coins.ph ay hindi makakapaggarantiya ng matagumpay na resulta sa pagbabawi.
- Kung ituturing na hindi kaya ang pagbawi nito, hindi ito susubukan. Ang desisyon na ito ay pangwakas at sa mabuti at buong pagpapasiya ng Coins.ph.
- Upang magsumite ng recovery request, mangyaring lumapit sa Coins.ph customer support sa pamamagitan ng in-app Help Center. Pakisama ang mga sumusunod na impormasyon sa inyong request:
- Email address ng Coins.ph account
- Halaga ng idinepositong ERC-20 tokens
- Deposit address
- Blockchain Transaction Hash
- Screen recording / video sa nagmumulang platform / website / wallet from kung saan nagawa ang pagdeposito, na magpapatunay na ikaw ang lehitimong may-ari ng transaksyon (hindi tatanggapin ang mga block explorer screenshots)
Kapag naisumite na ang request, asahan na makatatanggap kayo ng tugon mula sa aming team sa loob ng 24 oras.