Ikinalulungkot po naming sabihin na sa oras na ang isang outgoing na transaksyon ay nagawa sa aming platform ay hindi na ito maibabalik o mapipigilan dahil ipinadala na ang pondo sa blockchain para makumpirma, at wala kaming kontrol sa confirmation process na ito.
Nauunawaan naming posible magkamali sa mga transaksyong ito. Sa susunod, mas mainam na suriin nang mabuti ang lahat ng mga detalye ng transaksyon para maiwasan ang ganitong isyu. Higit pa rito, inirerekomenda namin ang pagsa-scan ng QR code ng recipient o pag-copy paste ng wallet address ng recipient sa halip ng pagta-type nito para maiwasan ang mga typo o typographical errors.
Paalala: Kung sa tingin nila’y scam o fraudulent ang isang transaksyon, mangyaring basahin itong guide kung paano i-report ang fraudulent activity.
Kung may iba pa silang concerns sa mga transaksyon, ‘wag magdalawang-isip na magpadala ng mensahe sa amin sa Coins.ph app o magpadala ng request dito para matulungan namin sila. Asahan na makakatanggap sila ng response mula sa aming team sa loob ng 24 oras.