Hindi mo na kakailanganing magbayad ng limpak-limpak na gas fees upang makagawa lang ng Ethereum Address dahil inilulunsad namin ang LIBRENG ETHEREUM ADDRESS para lang sa inyo!
Kung susunod mong katanungan ay “Coins.ph, papaano po ba i-activate ang libreng Ethereum address ko?”, handang-handa po kaming ipakita ito sa inyo! Kinakailangan lang sundan ang mga hakbang na ito:
1. Siguraduhin muna na ang kanilang account ay Level 2 - ID and Selfie Verified. Maaaring magtungo sa article na ito: Paano maging ID at selfie verified ang aking Coins.ph account?
2. Kapag naaprubahan na ang inyong Level 2 account verification, mangyaring bisitahin ang inyong Crypto Portfolio at pindutin ang ‘Receive’.
3. Piliin ang Ethereum (ETH) mula sa listahan ng mga tokens na ito upang i-activate ang inyong wallet.
Napakadali ‘di ba? Maaari niyo nang gamitin ang wallet na ito upang makatanggap ng ETH at ibang suportadong ERC-20 tokens sa inyong Ethereum/ERC-20 address.
MAHALAGANG MGA PAALALA:
- Siguraduhing magpadala ng hindi bababa sa 70,000 gas para sa ETH/ERC-20 transactions o deposits
- HUWAG MAGPAPADALA ng mga hindi suportadong tokens. Narito ang listahan ng mga suportadong token sa aming platform.
- HUWAG MAGPAPADALA ng mga tokens sa inyong Ethereum Address gamit ang ibang network (hal. BNB Smart Chain, RON Network, MATIC Network, TRON Network, atbp.)