Rejected ang isang transaksyon kung ito ay manggagaling o ipapadala sa isang sanctioned wallet. Ang mga transaksyon na ito ay ipinagbabawal sa aming plataporma ayon sa aming User Agreement.
[Kaugnay na artikulo: Ano ang sanctioned wallet address?].
Ito ang mga hakbang na kailangan para sa kanilang rejected na transaksyon:
Rejected na transaksyong papasok ng wallet
Kung may inaasahan silang papasok na crypto transfer, ngunit nakita mo ito sa listahan ng rejected na transaksyon, ibig sabihin ay naka-block na ang transaksyon na ito para sa iyong seguridad. Upang maproseso ang reversal ng crypto pabalik sa pinanggalingang platform, sundan lamang ang mga sumusunod na hakbang:
1. Makikita ang pahayag na ito sa ilalim ng balance kapag na-reject ang kanilang transaksyon:
2. Pindutin ang "View Transactions" upang makita ang mga rejected na transaksyon.
3. Base sa mga rejected na transaksyon, kailangan nilang kontakin ang pinanggalingang platform ng transaksyon upang sila ay magpadala sa amin ng email sa crypto.refunds@coins.ph na naglalaman ng kumpletong detalye na nakalista sa ibaba:
Transaction Date:
Amount and Currency Sent:
Beneficiary Wallet Address:
Transaction Hashlink:
Rejected na transaksyong palabas ng wallet
Dahil nakita ng aming sistema na sanctioned wallet ang kanilang pinapadalhan ng crypto, awtomatikong rejected na and transaksyon para sa iyong seguridad. Agad na mababalik ang pondo sa iyong Coins.ph wallet.
Upang maiwasan na mareject ang kanilang transaksyon, maaaring bisitahin ang aming User Agreement para masiguro na ang kanilang aktibidad ay naaayon sa aming termino ng paggamit.