Ang stop- limit order ay limit order na mayroong limit price at stop price. Kung ang market price ay aabot sa inyong stop price, ang limit order ay malalagay sa order book sa limit price na inyong itinakda. Kapag ang limit price ay naabot, ang limit order ay masasagawa.
Stop price
Kung ang price ng asset ay aabot sa stop price, ang stop- limit order ay masasagawa upang mag- buy o sell ng asset sa nakatakdang limit price o mas mainam.
Limit price
Ang natakda (o mas mainam) na price kung saan ang stop- limit order ay masasagawa.
Kahit ang stop price at limit price ay pwedeng pareho, ito ay hindi requirement. Mas mabuti kung ang stop price (trigger price) ay itatakda nang mas mataas sa limit price para sa sell orders, o mas mababa sa limit price para sa buy orders. Itataas nito ang probabilidad na ang inyong limit order ay mapupunan pagkatapos maabot ang inyong stop price.
Pakitandaan na pagkatapos maabot ng market price ang inyong limit price, ang inyong order ay masasagawa bilang limit order. Kung itatakda ang inyong limit price nang sobrang taas o sobrang baba, maaaring hindi mapunan ang inyong order dahil hindi maaabot ng market price ang limit price na inyong itinakda. Dagdag pa rito, kung kulang ang market liquidity, kahit maabot ng market price ang inyong limit price ay hindi 100% na mapupunan ang inyong order.
Paano maglagay ng Stop-Limit order sa Spot Trade?
1. Sa Spot Trade page, piliin ang Stop-Limit Order tab.
on the Coins website |
on the Coins app |
2. Bago maglagay ng stop- limit order, kailangang piliin ang stop price na magtitrigger ng inyong limit order. Pagtapos ay iset ang inyong limit price, at ang halaga ng crypto na nais ninyong itrade.
Halimbawa, ang current price ay 12.80. Maaaring itakda ang stop price sa taas ng current price, gaya ng 13, o sa baba gaya ng 12. Kapag ang presyo ay umabot sa 13 o bumaba ng 12, ang inyong stop- limit order ay mapagagana, at ang limit order ay malalagay na sa order book.
3. Iclick ang Buy o Sell upang malagay ang inyong Stop-Limit order.
How to view my Stop- limit order history?
- Para sa filled orders, maaari silang makita sa ilalim ng Order history tab para makita ang Executed Price ng bawat trade.
- Para sa open orders, maaari itong makita sa ilalim ng Open Order tab.
- Upang magcancel ng order, iclick ang Cancel icon sa kanang bahagi ng table.
- Sa Coins.ph app, parehong Open Order at Order History ay makikita sa kanang itaas na bahagi ng Spot Trade page.