Ang limit order ay nailalagay sa order book sa presyo na iyong personal na itatakda. Nagpapatupad lamang ang limit order kapag umabot na ang market price sa tinukoy na amount at order quantity. Maaaring gamitin ang limit order upang bumili ng asset sa mas mababa na presyo o magbenta sa mas mataas na presyo kumpara sa kasalukuyang market price.
Limit Buy Order
Kapag bumagsak ang market price hanggang o mas mababa pa sa limit price na naitakda, agad na matutupad ang limit order. Kung nais nilang bumili sa murang presyo, siguraduhin na ang itatakdang buy price sa iyong limit order ay mas mababa kumpara sa kasalukuyang market price.
Halimbawa, ang kasalukuyang BTC price ay 40,000 USDT. Kung maglalagay ka ng buy limit order sa limit price na 35,000 USDT, ang limit order mo ay matutupad lamang kung sakaling bumaba ang BTC price sa 35,000 USDT o mas mababa. Kapag gumawa ka ng buy limit order sa halagang 45,000 USDT o mahigit, pansinin na mas mataas na ito sa kasalukuyang BTC price, ang order ay matutupad agad sa kasalukuyang market price na 40,000 USDT sa halip ng 45,000 USDT. Sa sitwasyong ito, makakatipid ka pa ng 5,000 USDT mula sa iyong itinakdang presyo.
Limit Sell Orders
Kapag umabot ang market price hanggang o mas mataas pa sa limit price na naitakda, agad na matutupad ang limit order. Kung nais nilang magbenta sa mataas na presyo, siguraduhin na ang itatakdang sell price sa iyong limit order ay mas mataas kumpara sa kasalukuyang market price.
Halimbawa, ang kasalukuyang BTC price ay 40,000 USDT. Kung maglalagay ka ng sell limit order sa limit price na 45,000 USDT, ang limit order mo ay matutupad lamang kung sakaling umakyat ang BTC price sa 45,000 USDT o mas mataas. Kapag gumawa ka ng sell limit order sa halagang 35,000 USDT, pansinin na mas mababa na ito sa kasalukuyang BTC price, ang order ay matutupad agad sa kasalukuyang market price na 40,000 USDT sa halip ng 35,000 USDT. Sa sitwasyong ito, kikita ka pa nang mas mataas (5,000 USDT) kumpara sa kung ikaw ay magbebenta sa 35,000 USDT.
Paano gumawa ng limit order sa Coins Pro?
1. Piliin ang LIMIT ORDER sa spot trading page.
2. Ilagay ang limit price na nais mong bilhin o ibenta. Pagkatapos, ilagay naman ang dami ng asset na nais mong i-trade. Kakalkulahin ng sistema ang total transaction amount at makikita kung sapat ang iyong kasalukuyang balanse upang mailagay ang limit order na ito.
3. Pindutin ang BUY o SELL upang malagay ang iyong limit order.
Paano makikita ang aking limit order history?
Maaaring makita ang inyong open orders sa ilalim ng [OPEN ORDER]. Kung nais mong ikansela ang isang order, pindutin ang Cancel sa dulo ng order na ito.
Makikita ang mga natupad na orders sa ilalim ng [ORDER HISTORY]. Pindutin ang button na krus (+) upang makita ang Executed Price ng bawat trade.