Ngayon na pamilyar na sila sa mga iba’t ibang uri ng order. Oras na para mag-trade sa Coins Pro!
1. Piliin ang gusto nilang trading pair na makikita sa kaliwang bahagi ng screen.
2. Piliin ang nais nilang order type.
In addition to this, please know that we also have different order types which you may utilize during your trades:
Limit Order - nailalagay sa order book sa presyo na iyong personal na itatakda. Nagpapatupad lamang ito kapag umabot na ang market price sa tinukoy na amount at order quantity
Market Order - nagpapatupad sa pinakamagandang presyo na available sa kasalukuyan. Kadalasan, tinutugma ang ganitong order base sa umiiral na presyo ng cryptocurrency.
Stop-Limit Order - may dalawang presyo sa ekwasyon: isang Stop Price at isang Limit Price. Kinokonsidera bilang trigger ang Stop Price kung kailan matutupad ang limit order, habang ang Limit Price ang presyo kung saan matutupad ang pagbili o pagbenta.
Stop-Market Order - may dalawang presyo sa ekwasyon: isang Stop Price at Market Price. Kinokonsidera bilang trigger ang Stop Price kung kailan matutupad ang market order, habang ang Market Price o presyo ng merkado ang gagamiting presyo kapag natupad na ang order.
3. Ilagay ang amount na gusto nilang bilhin/ibenta. Para sa mga limit at stop order, kailangan nilang maglagay ng karagdagang impormasyon.
4.I-click ang Buy/Sell.
Mga paalala:
- Maaaring ma-execute ang mga malalaking order quantity sa iilang price level hanggang mapuno ang ninanais nilang order quantity na maaaring magresulta sa hindi sinasadya o matinding gastos
- Maraming risk sa paghawak ng digital currency. Ang presyo o halaga ng digital currency ay maaaring magbago nang mabilis, bumagsak, at posibleng maging zero pa ito, at maaaring ikalugi. Mangyaring pag-isipan nang mabuti bago bumili o humawak ng digital currency, alalahanin ang pinansiyal na kalagayan nila.