Tulad ng stop-limit order, ang stop-market order ay gumagamit ng stop price bilang trigger. Subalit, kapag umabot na ang market price sa itinakdang stop price, market order ang magaganap.
Paalala: Dahil sa matinding paggalaw ng merkado, ang executed price ng market order ay maaaring mas mataas/mababa kumpara sa presyo ng huling trade. Kailangang maiging aralin ang market depth at pagtaas o pagbaba ng presyo.
Paano gumawa ng Stop-Market order sa Coins Pro?
1. Bago maglagay ng stop-market order, kailangan munang pumili ng stop price na magiging trigger para sa market order. Ang stop price na makakapag-trigger sa market order ay ang "Last Price" ng huling trade sa market.
2. Ilagay ang "Trigger Price” at “Total”, pagkatapos ay pindutin ang BUY upang malagay na ang inyong stop-market buy order. Para naman sa SELL order, ilagay ang "Trigger Price” at“Amount”, pindutin ang SELL upang malagay na ang inyong stop-market sell order.