Ang market order ay nagpapatupad sa pinakamagandang presyo na available sa kasalukuyan. Kadalasan, tinutugma ang ganitong order base sa umiiral na presyo ng cryptocurrency.
Nangangailangan ang market order ng liquidity upang maganap ang trade. Ibig sabihin, nakabatay ito sa mga limit order na kasalukuyang nailagay at available na sa order book. Kung nais mo na magbenta o bumili ngayong segundo na ito, ang market order ang iyong pinakamainam na pagpipilian na order type.
Dahil agad na nagaganap ang market order, hindi mo 100% na masisiguro ang presyo na iyong makukuha. Slippage ang tinatawag rito kung may pagkakaiba sa presyo na iyong aktwal na nakuha kumpara sa iyong inasahang presyo.
Halimbawa, ang presyo ng BTC ay mabilis na tumaas at nais mong bumili ng BTC sa pinakamadaling panahon. Handa kang tanggapin ang kahit na anong kasalukuyang presyo basta't makabili ka ng BTC ngayon. Sa sitwasyong ito, gagawa ka ng market order sa Coins Pro.
Paano gumawa ng market buy order sa Coins Pro?
Sa Coins Pro, maaari lamang 1.) bumili gamit ang total o kabuuang presyo sa PHP at 2.) magbenta gamit ang amount o dami ng BTC (o anumang token na ibebenta).
Halimbawa, mayroon kang 10,000 PHP at nais mong gumawa ng market buy order para sa BTC/PHP pair upang bumili ng BTC gamit ang PHP. Kung gagawa ka ng "Buy 50%" na order, kukunin ng sistema ang kalahati ng iyong available na PHP o 5,000 PHP at papalitan ito ng BTC sa presyo na kasalukuyang umiiral sa order book. Itutugma ng sistema ang iyong market buy order ayon sa pinakamababang limit sell order na nakalagay sa order book. Makikita mo sa [Order History] ang dami ng BTC na iyong binili at ang average na presyo kung saan ito ay nabili.
Pindutin ang Detail upang masuri ang Executed Price ng bawat trade.