Dahil sa aming bagong feature sa Coins.ph, makatatanggap na kayo ng cryptocurrency tokens sa inyong wallet!
Madali lang makatanggap ng ERC-20 tokens sa inyong account! Kailangan lamang ng activated ETH Receiving Address.
Sa Coins app
1. Mula sa app, piliin ang Portfolio tab na makikita sa ibabang section ng menu.
2. Pundutin ang Deposit button sa itaas, pagtapos piliin ang Receive Crypto.
Note: Maaari ring maaccess ang Receive Crypto option sa Deposit button sa Home tab.
3. Piliin mula sa listahan ng available tokens ang nais na matanggap na token.
4. Piliin ang network na nais gamitin. Mangyaring siguraduhin na ang network na pipiliin ay pareho sa network ng magpapadala. Kung hindi, ang pondo ay maaaring mawala.
5. Maaaring kopyahin ang wallet address o iscan ang QR code na makikita sa screen.
Sa Coins website
1. Pindutin ang Portfolio tab. Mula sa listahan ng available na tokens, piliin ang token na nais mareceive.
2. Pindutin ang “Transfer ***” at piliin ang "Deposit ***".
3. Piliin ang network na nais gamitin. Mangyaring siguraduhin na ang network na pipiliin ay pareho sa network ng magpapadala. Kung hindi, ang pondo ay maaaring mawala.
4. Maaaring kopyahin o iscan ang QR code na makikita sa inyong screen.
Maaaring magrefer sa sumusunod na guide para sa kumpletong listahan ng networks at tokens na supported ng Coins.ph.
Paalala po lamang na ang pagpapadala ng mga di-sinusuportang ERC-20 tokens o pagpapadala ng pera sa ibang networks (via BNB Chain, Polygon Network, atbp.) ay hindi mababawi at permanente nang mawawala.