Ang mga ERC-20 tokens ay mga non-native cryptocurrencies na ginawa sa loob ng Ethereum blockchain. Para makita ang mga ERC-20 tokens na sinusuportahan ng Coins.ph sa ngayon, maaaring basahin ang listahan na ito: Ano ang mga ERC-20 tokens na sinusuportahan ng Coins.ph?
Dahil ginagamit ng ERC-20 tokens ang Ethereum addresses at naipapasa o naisusumite ang mga ito sa blockchain sa tulong ng mga Smart Contracts, gumagamit din ng gas ang ERC-20 tokens upang mabayaran ang blockchain fees.
Ang gas fees na binabayaran ng aming platform ay nakabase sa umiiral na pabagu-bagong activities sa Ethereum network (gamit ang gas price * gas limit na formula). Ang ibinabayad na fees ay naipapasa sa mga miners (nagmimina ng transaksyon) sa ETH network at hindi kumikita si Coins.ph sa paniningil ng mga fees na ito.