Ang Tether, o mas kilala sa tawag na USDT, ay isang ERC-20 stablecoin na nakakabit sa halaga ng US Dollar. Ang bawat 1 USDT na nagagawa ay naka akibat sa iba’t-ibang asset ng reserve account ng Tether platform - kabilang dito ang tradisyonal na pera at mga receivables mula sa mga pautang na ginawa ng Tether para sa mga third party.
Kagaya ng USDC, dahil mayroong reserba ng assets ang mga dollar stablecoins gaya ng USDT, maituturing na ito ang pinakamalapit na katumbas ng USD currency sa Ethereum blockchain. Basta’t kayo ay ID at Selfie verified, maaari ka nang magsimula sa pagte-trade ng USDT!
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa USDT at ang dollar reserves nito, maaaring tingnan ang link na ito.
Paalala:
Sinusuportahan ng Coins.ph ang mga USDT transfers na dumaan sa mga piling network na makikita sa aming artikulo ng Suportadong token sa mga deposito at withdrawal sa Coins.ph . Ang pagpadala ng tokens sa pamamagitan ng ibang networks ay magreresulta sa pagkawala ng inyong pera.