Ang LBC Pesopak cash out feature ay hindi na available sa Coins.ph
Kung may karagdagan updates, ibabahagi namin ito sa aming official Website at social channels!
Huwag mag-alala dahil maaari paring magpadala gamit ang ating available na remittance center options.
Narito ang ilang articles para makatulong:
Paano mag-Cash Out gamit ang Remittance Centers
Paalala: Ang impormasyon sa ibaba ay hindi na angkop sa kasalukuyan.
---------------------------------------------
Ang inyong LBC cash out ay ipapadala sa address na inyong nilagay sa paggawa ng inyong Coins.ph cash out.
Kapag tatanggap ng padala mula sa LBC delivery personnel, ipakita lang ang valid ID at tracking number na ipinadala. Ang pangalan sa valid ID na ipapakita ay dapat pareho sa pangalan na nailagay sa cash out order.
Ipapadala namin ang tracking number kasama ang pangalan ng cash out sender sa pamamagitan ng email.
Kung mayroon kayong katanungan o problema sa pagclaim ng padala, maaari kayong makipag-ugnayan sa amin.