Ang inyong LBC cash out ay ipapadala sa address na inyong nilagay sa paggawa ng inyong Coins.ph cash out.
Kapag tatanggap ng padala mula sa LBC delivery personnel, ipakita lang ang valid ID at tracking number na ipinadala. Ang pangalan sa valid ID na ipapakita ay dapat pareho sa pangalan na nailagay sa cash out order.
Ipapadala namin ang tracking number kasama ang pangalan ng cash out sender sa pamamagitan ng email.
Kung mayroon kayong katanungan o problema sa pagclaim ng padala, maaari kayong makipag-ugnayan sa amin sa help@coins.ph.