Dahil sa bagong ML ePay service ng M Lhuillier, makakapag-cash in na ang mga Coins.ph users sa alinman sa 1700+ branches ng M Lhuillier nationwide.
Para masubukan ito, narito ang paraan:
1. Gumawa ng cash-in order at piliin ang M Lhuillier.
Paalala lamang na magagamit lang ang ML ePay service ng mga user na may verified accounts (Level 2 or higit pa).
Ilagay ang halaga na nais i-cash in at i-click ang "Next Step." Mapupunta kayo sa cash in order page kung saan makikita ang 12-digit ML ePay Transaction Code.
Tandaan ang code na ito at pumunta sa malapit na M Lhuillier branch.
Para makita ang listahan ng M Lhuillier branches, pindutin lamang ang link na ito.
2. Magbayad sa M Lhuillier.
Gamitin ang ng Sendout Form (pulang form) sa pagbayad.
Receiver’s Name: ML - (at ang Transaction code)
Sa "Sender's Name," sulatin ang inyong buong pangalan.
Sa "Receiver's Name," sulatin ang ML ePay pagkatapos ng inyong assigned Transaction Code ng inyong order.
Ito ay halimbawa:
I-abot itong form at ang inyong bayad sa kahera/kahero.
3. Hintayin ang email na magbibigay ng kumpirmasyon na Mark as paid na ang inyong cash in.
Kapag natanggap niyo na po ang email, ibig sabihin na ipinasa na ng M Lhillier ang impormasyon tungkol sa inyong cash in sa aming sistema.
4. Kapag nakumpirma na namin ito, papasok na ang pera sa inyong Coins.ph Peso wallet.
Kung sakaling may hindi malinaw, maaari niyo kaming i-email sa help@coins.ph.
Para sa real-time updates sa outlet na ito, maaaring tignan ang aming Status Page.