Ang inyong Coins.ph account ay may maraming wallet addresses, na maaaring gamitin para makatanggap ng mga sinusuportang cryptocurrencies mula sa mga ibang tao. Paalala lamang na may katumbas na wallet address ang sumusunod na cryptocurrencies: BTC, BCH, ETH, at XRP. Makatatanggap din kayo ng iilang ERC-20 tokens gamit ang inyong ETH address. Matuto nang higit pa tungkol sa inyong mga cryptocurrency wallet addresses dito.
Upang mahanap ang inyong Coins.ph wallet address sa web, buksan lamang ang inyong main wallet screen at i-click ang QR code sa bandang kanan sa taas na bahagi ng digital currency wallet na nais niyong tingnan (BTC sa halimbawang ito).
Basahin ang disclaimer, tapos pindutin ang "Show my ___ address".
Pagkatapos makikita ninyo ang isang popup kung saan nakalagay ang inyong Bitcoin, Ethereum, Bitcoin Cash, o Ripple wallet address (BTC sa halimbawang ito):
Ang pagkakasunod-sunod na letra at numero sa gitna ng pop-up ay ang inyong Coins.ph wallet address. Maaari ring gamitin ang QR code para makatanggap ng Bitcoin sa inyong wallet.
Maaaring gamitin ang address na ito sa pagtanggap ng pera sa inyong account, o kapag tatanggap kayo ng Bitcoin mula kahit kanino.
Tandaan na iba ang wallet address sa inyong account number. Para sa iba pang paraan para magtanggap ng pera sa inyong account, maaaring basahin ito: Paano makakatanggap ng pera sa aking Coins.ph wallet?