Kung kayo at ang inyong recipient ay nasa parehong lugar, maaaring magpadala ng pera sa kanilang Coins.ph wallet sa pamamagitan ng pag-scan ng kanilang QR code. Sa parehong paraan, maaari rin na magpadala sila ng pera sa inyong Coins.ph wallet sa pamamagitan ng pag-scan ng inyong QR code.
Para gawin ito, siguraduhin na pareho ang wallet na inyong pipiliin (PHP, BTC, BCH, ETH, o XRP) kung saan nais niyo magpadala o tumanggap ng pera.
Mangyari na piliin ng recipient ang Receive at pindutin ang Show Coins QR Code.
Para naman sa sender, mangyaring piliin ang Send at pindutin ang Scan QR Code.
Matapos nito, maaari nang i-scan ng sender ang QR code ng recipient para makapagpadala ng pera.
Paalala lamang na hindi matatanggap ng recipient ang pera kung lalagpas ang halaga sa limits ng kanilang account. Maaaring tignan ng recipient ang kanilang limits sa pag-pindot sa Limits & Verifications na button.
Kung mayroon pang ibang katanungan o concern, maaaring magpadala sa amin ng email sa help@coins.ph o magpadala sa amin ng mensahe mula sa Coins.ph app.