Kapag naproseso na ang isang Coins to Coins transfer or external wallet transfer, ikinalulungkot po naming sabihin na hindi na namin maikakansela o palitan ang mga detalye dahil hindi na mababawi ito.
Nauunawaan namin na posibleng magkamali sa mga ganitong transaksyon. Para sa mga sumusunod na transaksyon, hinihikayat namin na i-double check ang lahat ng mga detalye bago kumpirmahin para makaiwas sa mga posibleng aberya.
Paalala: Kung sa tingin niyo ang transaksyon ay mapanlinlang o isang scam, mangyaring mag-refer sa gabay na ito ukol sa kung paano i-report ang fraudulent activity.
Kung may ibang concerns pa po sa inyong mga transaksyon, maaaring magpadala ng mensahe sa amin sa Coins.ph app o magsumite ng request dito para matulungan namin kayo ng tuluyan. Asahan na tutugon ang aming team sa loob ng 24 oras.