Ang inyong Coins.ph account ay may iba't ibang wallet addresses na maaaring gamitin upang makatanggap ng mga sinusuportahang cryptocurrencies. Mahalaga na malaman ang tamang wallet address para sa bawat cryptocurrency upang maiwasan ang mga pagkakamali sa transaksyon.
Paano Makita ang Iyong Coins.ph Wallet Address
Sundin ang mga hakbang na ito upang makita ang inyong crypto wallet addresses sa Coins app:
1. Buksan ang Coins.ph App: I-launch ang app sa inyong mobile device.
2. Pindutin ang QR Code: Sa kanang itaas, pindutin ang QR code icon.
3. Tingnan ang My Code:
- Pindutin ang "My Code" sa ibaba upang makita ang inyong PHP QR code.
- Upang makita naman ang crypto wallet addresses, pindutin ang Receive *** button sa itaas.
4. Piliin ang “Receive Crypto”
5. Pindutin ang "Deposit into Coins wallet"
6. Piliin ang nais na cryptocurrency
7. Ang inyong wallet address at QR code ay makikita na.
Mahalagang Konsiderasyon
- Iverify ang addresses: Laging idouble check ang wallet address bago magpadala ng funds.
- Sinusuportahang Cryptocurrencies: Magpadala lamang ng cryptocurrencies sa tamang address.
- Network Compatibility: Siguraduhin na tama ang network na gagamitin (hal. ERC-20 para sa Ethereum-based tokens).
- Natatanging address: Ang inyong wallet address ay iba sa inyong Coins.ph account number