Bilang isang Coins.ph user, maaari kayong magkaroon ng PHP wallet, BTC wallet, ETH wallet, at iba pa. (Ano ang pagkakaiba nila?)
Sa bawat transaksyon na ginawa, maitatala ito sa inyong wallet history. Sa ganitong paraan, makakasigurado kayo na alam ninyo kung saan nanggagaling at napupunta ang inyong Peso, BTC, ETH, BCH, o XRP.
Sa inyong web browser:
Maaari ninyong tingnan ang transaction history ng bawat wallet sa pamamagitan ng pagpili ng partikular na wallet sa ilalim ng "All Wallets" at sa pag-click nito. Awtomatikong makikita ang inyong wallet transaction history sa ilalim ng browser matapos ito i-click.
- Upang makita ang iba pang detalye, i-click ang partikular na transaksyon at makikita niyo - kung naaangkop - ang bank account name at number ng pinadalhan ng pera o kung saan niyo natanggap, ang mobile number na niloadan, at ang espesipikong oras at minuto kung kailan niyo ginawa ang transaksyon, atbp.
- Kung karaniwang ginagamit ninyo ang Bitcoin wallet, ipinapakita ng inyong BTC history ang conversion rate ng inyong pagpapalit ng BTC patungo sa PHP, at vice-versa.
- Maaari ninyong i-download ang inyong transaction history kapag pinindot ang button sa tabi ng requests.
Sa mobile apps (Android o iOS):
Pindutin ang "History" sa partikular na wallet na nais niyong tingnan at makikita niyo dapat ang inyong transaction history matapos nito.
Kung mayroon kayong ibang katanungan on concern, maaaring magpadala sa amin ng message sa Coins.ph app o magpadala ng email sa help@coins.ph para ma-assist namin kayo ng tuluyan.