Ang QR Ph ay isang pambansang pamantayan sa QR code na nagpapahintulot sa mga transfer sa mga nakikilahok na bangko at e-wallet sa Pilipinas. Dahil in-adopt na ng Coins.ph ang pamantayang ito, makatatanggap kayo ng pera mula sa mga taong gumagamit ng ibang bangko at e-wallet sa pagbabahagi ng inyong QR code. Makakapagpadala rin kayo ng pera sa mga ibang bangko at e-wallet sa pag-scan ng QR code ng inyong recipient o sa pag-upload ng screenshot ng QR gamit ang inyong Coins.ph Wallet.
Ang mga nakikilahok na bangko at e-wallet na may ganitong pamantayan ay may asul, pula, at dilaw na disenyo sa gitna ng QR code:
Panoorin: How to use QR Ph ("Paano Gumamit ng QR Ph") ng Bangko Sentral ng Pilipinas
Mga Gabay:
- Paano Magpadala ng Pera sa Pag-scan ng QR Code
- Paano Magpadala ng Pera sa Pag-upload ng QR Code
- Paano Tumanggap ng Pera Gamit ang QR Code
Paano Magpadala ng Pera sa Pag-scan ng QR Code
Step 1: Hingin ang QR code ng recipient. Siguraduhin na ang QR ay isang QR Ph code.
Step 2: Buksan ang Coins app at pindutin ang QR icon sa kanang itaas na bahagi.
Step 3: I-scan ang QR code. Siguraduhin na nasa loob ng puting kahon upang mabasa ang QR code.
Step 4: Kapag na-scan ito, mapupunta kayo sa cash out page. Ilagay ang halaga na inyong ipapadala.
Step 5: I-double check ang mga detalye at pindutin ang Confirm
Paano Magpadala ng Pera sa Pag-upload ng QR Code
Step 1: Hingin ang QR code ng recipient. Siguraduhin na ang QR ay isang QR Ph code.
Step 2: Buksan ang Coins app at pindutin ang QR icon sa kanang itaas na bahagi.
Step 3: Pindutin ang photo icon sa kaliwang bahagi at piliin ang QR code sa inyong galley.
Step 4: Kapag na-upload ito, mapupunta kayo sa cash out page. Ilagay ang halaga na inyong ipapadala.
Step 5: I-double check ang mga detalye at pindutin ang Confirm
Paano Tumanggap ng Pera Gamit ang QR Code
Step 1: Buksan ang Coins app at pindutin ang QR icon sa kanang itaas na bahagi.
Step 2: Pindutin ang "My Code" sa ibaba ng screen upang makita ang inyong QR code.
Step 3: Ibigay ang inyong QR code sa sender.
Maaari kayong humingi ng tiyak na halaga, na magbabago sa itsura ng QR code o ibahagi ang code na nakikita mismo para makatanggap ng anumang halaga.
Mahalagang Paalala: Kailangang phone verified at Level 2 verified o higit pa para makatanggap ng InstaPay transfers.
Kailangan ng karagdagang tulong sa pagpapadala o pagtanggap ng pera? Mangyaring magsumite ng request dito o magpadala ng in-app message.