Mahalaga ang pagreport ng mga nararamdamang posibleng scam o pandaraya. Makakatulong ito sa pagprotekta ng inyong account, at sa pagresolba namin ng mga isyu na ito agad-agad.
Mga posibleng Scam o Fraudulent Activity:
- Aktibidad o transaksyon sa inyong Coins.ph account na hindi niyo ginawa
- Pinekeng Coins.ph email o spoof websites
- Hindi nakuhang produkto pagkatapos ng mandarayang nagbebenta
- Pagpasok sa unlicensed na investment scheme
Sundan ang sumusunod na hakbang:
Step 1: I-report sa amin
I-message kami agad sa Coins app o via email sa help@coins.ph. Isama ang screenshots ng inyong gustong i-report para ma-review ito ng aming team. Puwede rin kayo tumawag sa aming helpline: 882-26467 (882-COINS)
Step 2: Kumpletuhin ang complaint form
Kung kinakailangan na sumagot kayo ng aming complaint form, Importante na kumpleto ang impormasyon na isusulat ninyo para sa pagimbestiga sa nangyari. Hihingin namin ang inyong proof of payment, mga screenshot ng inyong mga interaksyon, at kahit anong magagamit na impormasyon para malaman namin kung ano ang nangyari. Mula sa inyong pagsubmit nito, iimbestigahin namin ito at bibigyan kayo ng update sa loob ng 2 business days.
Step 3: I-report ang nangyari sa mga awtoridad
Kung gugustuhin niyong sundan ang itong kaso, kasama na ang pagclaim muli ng funds, ang susunod na gagawin ay ireporta ito sa mga awtoridad. Ang Coins.ph ay isang Digital payments platform, at kayo hindi kami makakadikta ng resolusyon sa nangyari o makakapagrefund. Lahat ng payments ay final at hindi maibabalik.
Bakit hindi puwede magbigay ng impormasyon ng customer sa inyo?
Dahil sa aming Privacy Policy, hindi namin mabibigay sa inyo diretso ang impormasyon ng kahit anong customer. Kakailanganin namin isang official letter (Official Request for Information) mula sa mga awtoridad para mabigay ang impormasyong ito. Kapag may letter na tayo, maibibigay namin ang impormasyon na nakalap namin sa imbestigasyon, as per sa Privacy Policy namin. Makikitulong kami sa anumang reporta o isyu, lalo na para sa seguridad ng plataporma.
Hinihingi namin na maging vigilant habang gumagawa ng transaksyon online. Magalala tayo sa unauthorized at unlicensed investment schemes na nangangako ng mabilis o siguradong returns.
Maging aware din tayo sa iba’t-ibang advisories na linalabas ng gobyerno katulad ng mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP at ng Securities and Exchange Commisssion o SEC dahil makakatulong to sa pag-alam ng mga scams. Tignan ang page na ito para sa aming listahan ng advisories mula sa SEC.